*FAITH, Creative Writing?

“Babalik Ka Rin!”

Ang pag-ibig, yung tunay na pag-ibig, sa totoo lang, ay hindi talaga madali. Habang mas lumalalim, ito’y mas susubukin.

Noong una ko Siyang makilala, wala akong reaksyon. Malamang hindi ko pa kasi lubusang maintindihan kung ano ba talaga ang pag-ibig.

Tumagal ng ilang taon ang aming ligawan. May panahong malamig ako sa Kanya, mayroon din namang nagliliyab ang nararamdaman ko sa aming relasyon.

Pero sa tuwing ako’y nanlalamig, lagi kong pinangungunahan ang sa palagay kong Kanyang iniisip: “babalik ka rin!”

Pero kahit sa mga panahong iyon, ni minsan, hindi Niya ako pinilit. Ako’y hinayaan Niyang mamili ng klase ng pag-ibig na sa palagay kong nararapat para sa’kin.

At sa tuwing ako’y mabibigo, ako’y magbabalik. Pero aalis muli.

Ganu’n pa man, hindi Niya ako iniwan. Alam kong masakit sa Kanya na parang binalewala ko Siya, pero nagpapasalamat ako na ganu’n Niya ako kamahal at kahit kailan, hindi Siya bumitaw.

Bago pa man tumuloy ang kwento ng huling pagkabigo ko, narinig ko na ang Kanyang bulong,

“Babalik ka rin!”

Naisip ko, bakit ba Niya lagi sinasabi yun?

Hanggang sa isang araw, nauntog ako at tuluyan kong natuklasan kung bakit.

Totoo ngang ang unang pag-ibig ay hindi namamatay. Bagkus, ito’y mas nagbibigay buhay!

Kaya kahit ilang beses akong umalis, ako’y patuloy na bumalik, bumabalik, at babalik.

“Babalik ka rin!”

‘Yan ang sinabi Niya nung una palang.

At oo nga, bumalik ako sa Kanya — sa una kong Pag-ibig; sa unang Nagmahal sa’kin.

Palagay ko ikaw rin.

“Babalik ka rin!”

“Tayo’y nagsisiibig, sapagka’t Siya’y unang umibig sa atin.”
-1 Juan 4:19

Standard

One thought on ““Babalik Ka Rin!”

  1. Pingback: Some Lessons about My Faith, I Learned through My Ex | Wordy and Worthy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s